Ano-anong pangitain ang nangibabaw sa isipan ni ibarra?bakit? Noli Me Tangere Crisostomo Ibarra: Sa lahat ng mga pangitain ni Ibarra, dalawa ang nag iwan ng masidhing damdamin sa kanya. Ang una ay ang pangitain niya sa sinapit ng ama. Sa kabila ng kagustuhan niya na makipag saya kasama ang kasintahang si Maria Clara ay hindi niya magawa sapagkat tinatalo siya ng lungkot at panghihinayang para sa amang hindi na niya makakasama pang muli. sobrang sakit ng narinig niya mula sa bibig ni tinyente Guevarra. Naisip niya na kung sana ay nasa bansa siya upang tulungan ang ama na malinis ang pangalan nito at makalaya mula sa piitan ay hindi nito sasapitin ang lahat ng kamalasan. Bukod dito, hindi mangyayari na ang bangkay ng ama ay maipapahukay pa kung nandito siya upang bantayan ang labi nito. Ang isa pang pangitain ni Ibarra ay ang pagpasok ni Maria Clara sa kumbento. Batid ni Ibarra na may ibang dahilan kung bakit pumayag si Maria clara sa kagustuhan ni Padre Damaso na siya ay pumasok ...
Kung ikaw si simoun ano marahil ang iyong ginawa. Gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa at bakit? -EL FILIBUSTERISMO Kung ako si Simoun sa El filibusterismo oo gagawin ko ang ginawa niyang pagbabalik sa San Diego dahil alam kung andun ang babaeng pinakamamahal ko ,gusto ko siyang balikan para ialis sa bayan na iyon at mamuhay ng tahimik, Pero sa binalak niyang gagawing madugong paghihiganti hindi ko gagawin iyon dahil maawa ako sa mga taong madadamay,naniniwala ako na meron parin namang mabubuting tao noon sa lipunan na maari niyang hingan ng tulong para sa maayos na pagkamit niya ng hustisya sa lahat ng nangyari sa kanya. i-click ang link para sa karagdagang kaalam sa El Filibusterismo brainly.ph/question/110836 brainly.ph/question/582432 brainly.ph/question/2110865
Ano ang english ng yero? Ang english ng yero ay galvanized steel/iron roof . Kaya yero ang ginagamit sa bubong ay dahil pinatibay ito ng galvanization. Ang galvanization ay isang proseso na kung saan ay nilalagayan ng zinc coating ang manipis na lapat ng yero para mapabagal ang pagkakalawang nito. Ang proseso ng pagkalawang kasi ay bunga ng isang chemical reaction sa pagitan ng iron at oxygen. Ang kalawang ay mapipigilan kung hindi hahayaan na mag-react ang iron sa yero sa oxygen sa hangin, kaya nilalapatan itong coating ng zinc. Ang galvanization ay di nakakaapekto sa pangkalahatang tibay ng yero at maaari pa din itong maputol gamit ang gunting de yero. Para sa karagdagang kaalaman sa rust o kalawang, maaaring magtungo sa mga link sa ibaba: brainly.ph/question/642022 brainly.ph/question/814746 brainly.ph/question/1417016
Comments
Post a Comment