Pahayag Na Nagbibigay Patunay...(Halimbawa)
Pahayag na nagbibigay patunay...(halimbawa)
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY
Ang isang pahayag ay nagbibigay ng katotohanan kung mayroon itong mga patunay.
Halimbawa
- Nagpapahiwatig
- Nagpapakita
- Dokumentaryo/Ebidensiya
- Nagpapatunay
- Konklusyon
- Kapani-paniwala
- Detalye
Naghihiwatig
Ito ay ang tawag sa pahayag na hindi natin direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya ngunit, sa pamamagitan na ito ay masasalamin ang katotohanan.
Hal.
Ang pagtulong ng Father Saturnino Urios University sa mga nasalanta ng lindol sa Davao ay nagpapahiwatig ng pagiging Urian o relihiyoso nila.
Nagpapakita
Ito ay ang salita na nagpahayag na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay o totoo.
Hal.
Ang tulong mula sa Pilipinas ay umabot sa mahigit 1 bilyong piso ang nagpapakita sa likas na kabuting-loob ng tao.
Dokumentaryo/Ebidensiya
Ito naman ay ang mga patunay na maaaring nakasulat, larawan o video.
Hal.
Mga dokumentaryo na katotohanan o may ebidensya gaya ng mga nilalabas sa telebisyon.
Nagpapatunay
Ito ay ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.
Konklusyon
Ito ang tawag na sa katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o impormasyon na totoo.
Kapani-paniwala
Ito ang salita na nagpapakita na ang ebidensiya ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay.
Detalye
Ito naman ay makikita mula sa mga detalye ang patunay ng isang pahayag.
#BrainlyBookSmart #AnswerForTrees
Comments
Post a Comment