Pagsusuri Ng Kabanata 21 Ng Noli Me Tangere, Tema, Suliranin, Damdaming Namayani, Aral Na Hatid, Thanks In Advance ((:
Pagsusuri ng kabanata 21 ng noli me tangere
tema
suliranin
damdaming namayani
aral na hatid
thanks in advance ((:
Noli Me Tangere
Kabanata 21: Mga Pagdurusa ni Sisa
Tema:
Ang mga pagdurusa na dinaranas ng isang ina. Sa dami ng mapapait na karanasan ni Sisa, ang pagkawala ng kanyang mga anak ang siyang pinakamasakit sa lahat.
Suliranin:
Ang pagkawala ng mga anak ni Sisa ang pangunahing suliranin sa kabanatang ito. Sa dami ng iniisip niya, tila nawala na rin sa katinuan si Sisa. Hindi niya alam kung saan siya pupunta at sino ang lalapitan upang mahanap ang mga anak na nawalay.
Damdaming Namayani:
Ang karaniwang damdamin ng ina sa tuwing hindi nakikita ang mga anak tulad ng takot, pagaalala, pangungulila, at panghihinayang. Maaari din na sinisisi ni Sisa ang sarili sa mga nangyari sa kanyang mga anak. Iniisip niya na naging pabaya siya at mahina kaya nawala ang kanyang mga anak.
Aral na Hatid:
Ang kabanatang ito ay nagtuturo sa mga mambabasa na pahalagahan at mahalin ang ina sapagkat nag iisa lamang sila sa ating buhay at ang kanilang mga sakripisyo at pagmamahal para sa anak ay walang katumbas. Hindi man sapat ang kanyang lakas, pinipilit pa rin ng ina na ibangon ang sarili upang maitaguyod ang mga anak lalo pa kung ang kanyang asawa ay iresponsable at pabayang ama na tulad ng asawa ni Sisa.
Read more on
https;//brainly.ph/question/2124323
Comments
Post a Comment