Bilang Isang Kabataan,Paano Ka Makaiiwas Sa Pagiging Batang Ina O Ama? Magbigay Ng Ilang Mga Paraan.

Bilang isang kabataan,paano ka makaiiwas sa pagiging batang ina o ama? Magbigay ng ilang mga paraan.

Sa panahon ngayon, mataas na ang persyento ng mga kabataang nagiging batang ina at ama. At ito ay nakakaalarma. Upang makaiwas sa pagiging batang ina at ama, kailangan nila ng tamang edukasyon pagdating sa pakikipagtalik. Karamihan sa mga batang nagiging batang ina o ama ay may kakulangan sa sex education. Tama lang na idagdag ang sex education biglang parte ng curriculum. Ang mga kabataan ay nagkakaroon ng ideya kung anong maaaring maging resulta ng pakikipagtalik at maling paraan nito.

Kung hindi man nila maiwasan ang pakikipagtalik, dapat nilang malaman ang ibat-ibang klase o uri ng contraceptives. Isa ito sa mga epektibong pamamaraan upang hindi mabuntis ang babae.

Gabay ng magulang ang isang importante para maiwasan ang pagiging isang batang ina at ama. Ang edukasyon tungkol sa pakikipagtalik ay hindi lang natututunan sa paaralan kundi ito din ang maaaring matutunan sa ating mga magulang. Meron isang first hand experience sa pakikipagtalik. Maaarin din silang magbigay ng opinyon tungkol sa paksa na ito. At mas napapatibay nito ang relasyon ng magulang sa anak.


Comments

Popular posts from this blog

Ano-Anong Pangitain Ang Nangibabaw Sa Isipan Ni Ibarra?Bakit?