Ano-Anong Pangitain Ang Nangibabaw Sa Isipan Ni Ibarra?Bakit?

Ano-anong pangitain ang nangibabaw sa isipan ni ibarra?bakit?

Noli Me Tangere

Crisostomo Ibarra:

Sa lahat ng mga pangitain ni Ibarra, dalawa ang nag iwan ng masidhing damdamin sa kanya. Ang una ay ang pangitain niya sa sinapit ng ama. Sa kabila ng kagustuhan niya na makipag saya kasama ang kasintahang si Maria Clara ay hindi niya magawa sapagkat tinatalo siya ng lungkot at panghihinayang para sa amang hindi na niya makakasama pang muli. sobrang sakit ng narinig niya mula sa bibig ni tinyente Guevarra. Naisip niya na kung sana ay nasa bansa siya upang tulungan ang ama na malinis ang pangalan nito at makalaya mula sa piitan ay hindi nito sasapitin ang lahat ng kamalasan. Bukod dito, hindi mangyayari na ang bangkay ng ama ay maipapahukay pa kung nandito siya upang bantayan ang labi nito.

Ang isa pang pangitain ni Ibarra ay ang pagpasok ni Maria Clara sa kumbento. Batid ni Ibarra na may ibang dahilan kung bakit pumayag si Maria clara sa kagustuhan ni Padre Damaso na siya ay pumasok sa kumbento imbes na ituloy ang pakikipagtipan kay Ibarra. Nais ni Ibarra na itakas ni Basilio si Maria Clara mula sa kumbento sapagkat batid din niya na ang pagsunod ni Pari Salvi sa kumbento ay upang makasama ang kanyang kasintahan.

Read more on

brainly.ph/question/2105427

brainly.ph/question/1340942

brainly.ph/question/1336727


Comments

Popular posts from this blog