Ano Ang Sugnay Na Makapag Iisa At Sugnay Na Di Makapag Iisa?
Ano ang sugnay na makapag iisa at sugnay na di makapag iisa?
Ang sugnay ay lipon ng mga salita na may simuno at panaguri. May dalawang uri ng sugnay ang sugnay na makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa.
Dalawang Uri ng Sugnay
Sugnay na Makapag-iisa
Ito ay may simuno at panaguri na may buong diwa.
Halimbawa
- Si Marta ay naglalaba sa harapan ng kanilang bahay.
- Si Gloria ay nag-iipon ng basura sa tapat ng paaralan.
Sugnay na Di-Makapag-iisa
Ito ay hindi nagpapahayag ng buong diwa ngunit kakikitaan ng paksa at panag-uri. Madalas itong kakikitaan sa unahan ng pangatnig na upang, kapag, dahil, nang, pag, kung, samantala, at habang.
Halimbawa
- habang siya ay naglalaro
- dahil siya ay tamad
Para sa karagdagang impormasyon:
Comments
Post a Comment