Ano Ang Katangian Sa Panonood??

Ano ang katangian sa panonood??

Ang panonood ay proseso ng pagmamasid ng manonood sa palabas, video recording at iba pang visual media upang magkaroon ng pag- unawa sa mensahe o ideya na nais iparating nito.

Ibat ibang uri ng Panonood:

  1. Deskriminatibo- ang paggamit ng opinyon o prejudice sa panunuri.
  2. Kaswal o panlibang- impormal na pamamaraan at hindi nagbibigay pokus sa detalye. Dito ginagawa lamang na pampalipas oras o libangan ang panonood.
  3. Komprehensibo- nagpapahalaga lamang sa mensahe sa ibang detalye.
  4. Kritikal- gumagamit ng pagbubuo ng hinuha mula sa mga detalye upang makabuo ng ganap na pag-aanalisa o pagsusuri sa paksang napanood.

Mga kahalagahan sa panood:

Ang patuloy na paglinang sa makrong kasanayan sa panonood ay nakapagdudulot sa isang indibidwal na :

  1. Mapaunlad ang kakayahang mag interpreta at mapalawak ang kaalamang pangkaisipan at pag-unawa
  2. Mapaunlad ang kakayahang mangilatis o magsuri sa katotohanan ng isang bagay.
  3. Mataya ang ibat ibang elemento sa isang produksyon
  4. Maging mulat sa katotohanan ng buhay.
  5. Makatulong para maging alerto sa mga nangyayari sa paligid.
  6. Magising ang kamalayam ng indibidwal, maaaring maging inspirasyon at maging sandigan upang gumawa ng tama.
  7. Bilang libangan

Hadlang sa Epektibong Panood:

  1. Karamdaman
  2. Maling pag-unawa sa nakita
  3. kapansanan sa mata
  4. Kaliwanagan: mas madilim, mas malabo ang imahe
  5. kasuotan ng ispiker
  6. di malinaw na tsanel

Maaari ring sumangguni sa mga sumusunod na link:

brainly.ph/question/2111340

brainly.ph/question/1609675

brainly.ph/question/842626


Comments

Popular posts from this blog

Paano Makaapekto Ang Mga Pagbabagong Ito Sa Inyong Paghahanda At Pag- Aaral Para Sa Minimithing Uri Ng Pamumuhay?