Ano Ang English Ng Yero?
Ano ang english ng yero?
Ang english ng yero ay galvanized steel/iron roof.
Kaya yero ang ginagamit sa bubong ay dahil pinatibay ito ng galvanization. Ang galvanization ay isang proseso na kung saan ay nilalagayan ng zinc coating ang manipis na lapat ng yero para mapabagal ang pagkakalawang nito. Ang proseso ng pagkalawang kasi ay bunga ng isang chemical reaction sa pagitan ng iron at oxygen. Ang kalawang ay mapipigilan kung hindi hahayaan na mag-react ang iron sa yero sa oxygen sa hangin, kaya nilalapatan itong coating ng zinc. Ang galvanization ay di nakakaapekto sa pangkalahatang tibay ng yero at maaari pa din itong maputol gamit ang gunting de yero.
Para sa karagdagang kaalaman sa rust o kalawang, maaaring magtungo sa mga link sa ibaba:
Comments
Post a Comment